ABISO
SAGOT SA MGA PILING
TANONG HINGGIL SA COVID-19 (AS OF 20 MARCH 2020)
A.
Para sa mga aplikante ng Visa, Passport at Notaryo
A.1 Tatanggap parin ba
ang Embahada ng mga aplikante ng visa?
HINDI -
Lahat ng visa applications ay suspendido hanggang sa susunod na
abiso. Lahat din ng visa (9A temporary visitor/tourist visas) na
inipagkaloob dati ay itinuturing kanselado simula 000H ng 22
Marso 2020, maliban sa mga sumusunod:
·
Mga opisyal ng dayuhang
gobyerno at international organizations na akreditado sa Pilipinas;
at
·
Mga dayuhang asawa at anak
ng isang Pilipino – dapat kasama nila ang Pilipino sa paglalakbay o
di kaya ay may dala sila na katibayan ng relasyon sa Pilipino
A.2 Ako ay may hawak ng
special visa na ipinagkaloob ng ibang ahensya ng gobyerno ng
Pilipinas. Papahintulutan ba ako makapasok sa Pilipinas?
HINDI - Hanggang sa susunod na abiso, lahat ng special visas, mga
sumasailalim sa visa waiver agreements, executive order No. 408
s.1960, at immigrant and non-immigrant visa (i.e. 13, 9D, 9F, 9G,
47a(2), etc.) ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas
simula 0000H 22 Marso 2020, maliban sa:
·
Mga opisyal ng dayuhang
gobyerno at international organizations na akreditado sa Pilipinas;
·
Mga dayuhang asawa at anak
ng isang Pilipino – dapat kasama nila ang Pilipino sa paglalakbay o
di kaya ay may dala sila na katibayan ng relasyon sa Pilipino; at
·
Mga dayuhang miyembro ng
crew
A.3 Ako ay dayuhan na
nasa Pilipinas. Ikakansela ba ang aking visa?
HINDI -
Walang epekto ang kanselasyon ng visa sa mga dayuhan na nasa
Pilipinas na. Lahat ng mga dayuhan na aabutan ng expiry ng kanilang
visa habang nasa Pilipinas at habang may enhanced community
quarantine ay kailangan magapply ng extension sa loob ng tatlumpung
(30) araw sa pagtanggal ng quarantine.
A.4 Tatanggap parin ba ang Embahada ng magpapanotaryo?
OO, tatanggap ang
Embahada.
B.
Para sa mga maglalakbay papunta at pabalik ng
Pilipinas
B.1 Will I be allowed
entry into the Philippines?
OO,
ngunit susuriin pag pasok sa bansa ang mga manggagaling sa sumusunod
na teritoryo:
Republic of Korea,
Singapore, Australia, People’s Republic of China, Malaysia, Japan,
Spain, Italy, France, the United Kingdom, Sweden, Belgium, Germany
and the United States of America.
Mga pasahero na
manggagaling o lumipat ng eroplano mula sa iran at Italy sa loob ng
labing-apat (14) na araw ay kailangan magpakita ng medical
certificate na ibinigay ng lehitimong medical na awtoridad sa
loob ng apat na pu’t walong oras bago dumating sa pilipinas na
nagpapatunay na sila ay walang COVID-19.
·
Exemptions:
Mga Pilipinong mamamayan kasama ang
kanilang asawa at anak, mga may hawak ng permanent resident visa, at
9E Diplomatic Visa. Mga dayuhang asawa at anak ng mga mamayang
Pilipino ay dapat kasama ang Pilipino habang naglalakbay patungong
Pilipinas o di kaya ay may dalang katibayan ng relasyon nila sa
Pilipino
B.2 Papayagan ba akong
mag-transit sa Manila kung papunta ako ng ibang bansa?
OO,
sa kondisyon na ang flight niyo ay hindi kinansela ng Civil
Aeronautics Board o ng inyong airline.
B.3 Ako ay nasa Manila at
gusto ko umalis papuntang ibang bansa. Papahintulutan ba ako?
Lahat ng
dayuhan, mga Pilipino na nakatira abroad at mga overseas Filipino
workers ay papahintulutang makaalis ng
Pilipinas, sa kondisyon na ang flight niyo ay hindi kinansela ng
Civil Aeronautics Board o ng inyong airline.
Isang tao lamang
(driver) ang maaring maghatid papuntang airport. May dala dapat ang
driver na kopya ng inyong airline ticket bilang katibayan.
Paglalakbay sa
pamamagitan ng lupa, himpapawid at dagat ng mga uniformed personnel
para sa opisyal ng misyon, lalo na doon sa nagdadala ng medical
supplies at laboratory specimen na nauugnay sa COVID-19, pati narin
ang mga maglalakbay para sa humanitarian assistance purposes ay
papahintulutan.
C.
Para sa mga Pilipino sa Pakistan
C.1 Ano ang pwede kong
gawin para maiwasan ang COVID-19?
1.
Ugaliing dalasan ang
paghugas ng kamay. Siguraduhing tama ang paghuhugas (dapat hindi
bababa sa dalawampung Segundo at gumamit ng sabon at tubig)
2.
Siguraduhin na mayroong
sapat na pagkain, tubig, sabon, hand sanitizers, at face masks sa
bahay
3.
Umiwas sa matataong
lugar at pag-labas ng di kinakailangan
4.
Kung ang paglabas ay hindi
maiiwasan, siguraduhin na magbigay ng nararapat na abiso sa inyong
employer
5.
Manatiling nakakaalam at
sumunod sa mga patnubay ng local na pamahalaan hinggil sa community
quarantine, lockdown at iba pang mga alituntunin para sa inyong
kaligtasan
C.2
Ano ang sintomas ng COVID-19?
Anuman o kombinasyon ng mga sumusunod:
1. Ubo
2. Lagnat (lampas 37.3C or
99.14F)
3.
Paghirap sa paghinga
AT
A.
Nakaraang pakikisalamauha
sa isang kakilala na nagpositibo sa COVID-19 positive person; o
B.
Paglalakbay (sa loob ng dalawang (2) linggo) sa isang bansa, lungsod
o lalawigan na nag-uulat ng hawahan ng COVID-19
C.4 Sa tingin ko ay
mayroon akong COVID-19 base sa aking mga nararamdaman, ano ang dapat
kong gawin?
1.Manatiling kalmado at mag
self-quarantine (umiwas sa mataong lugar at pakikisalamuha lalo na
sa mga matatanda/may edad)
2. Ugaliing magsuot ng face
mask, pero luwagan o tanggalin ito kapag nakakaapekto na ito sa
iyong paghinga
3. Ipagbigay alam sa
Embahada ang inyong kondisyon sa pamamagitan ng pag-text o pagtawag
sa 03335244762
4. Makipag-ayos sa inyong
employer o agency para makakuha ng medical na atensyon sa lalong
madaling panahon. Mga ospital na itinalaga ng gobyerno ng Pakistan
para umasikaso sa mga pasyente na may COVID-19 ay ang mga sumusunod:
 |