ABISO
Paalala sa mga Pilipino sa Pakistan Hinggil sa COVID-19
Mga
Sintomas ng COVID-19
Anuman o kombinasyon
ng
mga sumusunod:
1.
Ubo
2.
Lagnat (lampas 37.3C or 99.14F)
3.
Paghirap sa paghinga
AT
A. Nakaraang pakikisalamauha sa isang kakilala na nagpositibo
sa COVID-19 positive person; o
B. Paglalakbay (sa loob ng dalawang (2) linggo) sa isang bansa,
lungsod o lalawigan na nag-uulat ng hawahan ng COVID-19
Paano
Makakaiwas sa COVID-19
1. Ugaliing dalasan ang paghugas ng kamay. Siguraduhing tama
ang paghuhugas (dapat hindi bababa sa dalawampung Segundo at gumamit
ng sabon at tubig)
2. Siguraduhin na mayroong sapat na pagkain, tubig, sabon,
hand sanitizers, at face masks sa bahay
3. Umiwas sa matataong lugar at pag-labas ng di
kinakailangan
4. Kung ang paglabas ay hindi maiiwasan, siguraduhin na
magbigay ng nararapat na abiso sa inyong employer
5. Manatiling nakakaalam at sumunod sa mga patnubay ng local
na pamahalaan hinggil sa community quarantine, lockdown at iba pang
mga alituntunin para sa inyong kaligtasan
Mga
hakbang kung sakaling tumaas ang bilang ng may COVID-19
1. Kung sakaling tumaas ang mga bilang na apektado ng COVID-19
sa bansa, sundin lamang ang mga patnubay ng local na pamahalaan
hingil sa community quarantine, lockdown at iba pang mga alituntunin
para sa inyong kaligtasan.
Gawin
ang mga sumusunod kung sa tingin mo ay may COVID-19 ka
1.Manatiling kalmado at mag self-quarantine ng dalawang linggo (umiwas
sa mataong lugar at pakikisalamuha lalo na sa mga matatanda/may edad)
2.
Ugaliing magsuot ng face mask, pero luwagan o tanggalin ito kapag
nakakaapekto na ito sa iyong paghinga
3.
Makipag-ayos sa inyong employer o agency para makakuha ng medical na
atensyon sa lalong madaling panahon kung lumala ang sintomas. Mga
ospital na itinalaga ng gobyerno ng Pakistan para umasikaso sa mga
pasyente na may COVID-19 ay ang mga sumusunod:
4.
Ipagbigay alam sa Embahada ang inyong kondisyon sa pamamagitan ng
pag-text o pagtawag sa 03335244762 |